
By: Alphamie Fariolen
Ang “anok” ay gawa sa malagkit na bigas nilagyan ng gata, asin, luya at iba pa. Binalot ito sa dahon ng saging . Ang “anok” ay binibili ng nakararami lalong – lalo na’t sa pagsapit ng simbang gabi bintang – binta ito, makikita din ito sa tuwing tayo ay magsisimba at iba pa. Masarap kainin ito lalo na ito ay bagong luto pa lang.
Sikat ang Santa Fe sa ganitong pagkain na hinahanap ng kaamihan dahil ito’y masarap kainin at abot kaya ng lahat. Makabili ka ng isang balot na anok ay mabubusog kana talaga dahil masarap ang kinain at bagong luto pa at lasang lasa pa sa bibig mo dahil nga ang tamis at maalat ang “anok” kapag palagi mo itong kinakain ang “anok” nakakasawa rin.