ANOK

By: Alphamie Fariolen

Ang “anok” ay gawa sa malagkit na bigas nilagyan ng gata, asin, luya at iba pa. Binalot ito sa dahon ng saging . Ang “anok” ay binibili ng nakararami lalong – lalo na’t sa pagsapit ng simbang gabi bintang – binta ito, makikita din ito sa tuwing tayo ay magsisimba at iba pa. Masarap kainin ito lalo na ito ay bagong luto pa lang.

Sikat ang Santa Fe sa ganitong pagkain na hinahanap ng kaamihan dahil ito’y masarap kainin at abot kaya ng lahat. Makabili ka ng isang balot na anok ay mabubusog kana talaga dahil masarap ang kinain at bagong luto pa at lasang lasa pa sa bibig mo dahil nga ang tamis at maalat ang “anok” kapag palagi mo itong kinakain ang “anok” nakakasawa rin.

SEAFOODS

By: Marian Almodiel

Kilala ang probinsya ng Santa Fe bilang isa sa sikat na lugar na may pagkaing galing panlaot kabilang dito ang malalaking isda, pusit, alimango, kabibi at iba’t – ibang likas yamang dagat.

Ang lugar ng Okoy ang isa sa pinagkukunan ng sariwang isda, pusit, alimango at iba pa naipinupunta sa palengke, maraming restaurant na kainan sa lungsod ng Santa Fe na masasarap na pagkain at sariwang seafoods na matitikman. Isa na roon ang restaurant na nagngangalang “Seafoods”. Sa restaurant na ito matitikman ay iba’t – ibang uri ng seafoods mapa isda man o mapa kabibi. Isa sa mga tinatawag na “Sikad – sikad” dahil ito ay may kakaibang lasa , kaya patok ito sa masa.

“BUKO”

By: Princes Mae G. Manzanares

Hindi na nga gwapo,
Hindi din maganda ang katawan
Wala pang laman ang utak pero malinis ang kalooban ng isang “BUKO”.
Ang buko ay isang sariwang prutas na malambot ang laman. Ito rin ay sikat na inumin na mabibili dito sa Santa fe. Kapag umiinum tayo ng buko juice meron itong epekto sa ating katawan, katulad ng pagpigil sa pagbuo ng bato. Ang niyog isa sa mga uri ng puno na marami ang tanim dito sa Santa fe kaya isa ang buko sa mga paboritong pagkain o mirenda lalo na kapag tuwing hapon na paborito nang mga Santafehanon. Ang buko ay napakasarap lalo na kapag ito ay ginawang “lamaw” na nilalagyan ng condensada at skyflakes, ito ang ginagawa ng mga Santafehanon kung gusto nilang mas papasarapin pa ang buko. Dito sa Santa fe may mga nagbibinta ng buko na isa din sa kabuhayan ng taga Santa fe na ang kadalasang bumibili ay ang ang mga turista o kapwa din santafehanon.

SEAFOODS

By: Marian S. Almodiel

Kilala ang lugar ng probinsya ng Santa Fe bilang isa sa sikat na lugar na may pagkaing galing panlaot kabilang dito ang malalaking isda, pusit, alimango, kabibi at iba’t – ibang likas yamang dagat.

Ang lugar ng Okoy ang isa sa pinagkukunan ng sariwang isda, pusit, alimango at iba pa naipinupunta sa iba’t – ibang palengke, maraming restaurant na kainan sa lungsod ng Santa Fe na masasarap na pagkain at sariwang seafoods na matitikman. Isa na roon ang restaurant na nagngangalang “Seafoods”. Sa restaurant na ito matitikman ay iba’t – ibang uri ng seafoods mapa isda man o mapa kabibi. Isa sa mga dinadayo ng mga torista ay ang inihaw at ang tinatawag na “Sikad – sikad” dahil ito ay may kakaibang lasa kaya patok ito sa masa.