“BUKO”

By: Princes Mae G. Manzanares

Hindi na nga gwapo,
Hindi din maganda ang katawan
Wala pang laman ang utak pero malinis ang kalooban ng isang “BUKO”.
Ang buko ay isang sariwang prutas na malambot ang laman. Ito rin ay sikat na inumin na mabibili dito sa Santa fe. Kapag umiinum tayo ng buko juice meron itong epekto sa ating katawan, katulad ng pagpigil sa pagbuo ng bato. Ang niyog isa sa mga uri ng puno na marami ang tanim dito sa Santa fe kaya isa ang buko sa mga paboritong pagkain o mirenda lalo na kapag tuwing hapon na paborito nang mga Santafehanon. Ang buko ay napakasarap lalo na kapag ito ay ginawang “lamaw” na nilalagyan ng condensada at skyflakes, ito ang ginagawa ng mga Santafehanon kung gusto nilang mas papasarapin pa ang buko. Dito sa Santa fe may mga nagbibinta ng buko na isa din sa kabuhayan ng taga Santa fe na ang kadalasang bumibili ay ang ang mga turista o kapwa din santafehanon.

Leave a comment